Nauwi sa trahedya ang sana’y pag-a-island hopping ng
tatlumpong Taiwanese national, matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangkang
“Kevin II”.
Nangyari ang insidente mag-aalas dos kahapon ng hapon sa
Sitio Tambisaan, Manoc-manoc, Boracay, nang biglang hampasin ng malakas na unos
ang kanilang bangka.
Ayon sa mga residenteng nakasaksi, napansin na lamang umano
nilang nabalot na ng madilim na ulap ang bangka.
Ilang sandali pa at sa paghupa ng unos ay nakataob na ang
bangka, habang kumakaway na nagpapasaklolo ang mga pasahero nito.
Kaagad sumaklolo ang bangka ng Maritime Police, speedboat,
at ilang mga maliliit na bangka doon, kung kaya’t naisalba ang karamihan sa mga
nasabing turista.
Samantala, dead on arrival naman sa Caticlan Hospital ang
kuwarenta’y otso anyos na babae at ang dalawang taong gulang na bata matapos
malunod.
Patay din sa ospital sa Boracay ang sitenta’y uno anyos na
babaeng kasama ng mga naunang nabanggit na biktima.
Nangako naman ng tulong ang Allan B. Fun Tours na operator
ng nasabing bangka, sa mga naperwisyong Taiwanese National. | md102012
No comments:
Post a Comment