Ang BAG o Boracay Action Group na sinimulang ilarga
nitong mga nagdaang taon ay fully operational na at nakahandang tumulong para
sa seguridad ng isla sa lahat ng oras.
Napag-lamang may 24/7 na ito ngayong opisina at mga linya
ng teleponong matatawagan sa oras ng emerhensiya.
Meron narin itong fire truck o bomberong nakahandang
tumulong kapag may sunog, ambulansya at tatlong beach sand motor vehicle na
magpapatrolya sa baybayin ng Boracay.
Nabatid na ang Boracay Action Group na dating tinawag na
Boracay Action Team, ay ang pinagsamang puwersa ng mga taga pribadong sektor sa
isla at ng lokal na pamahalaan ng Malay.
Ayon naman kay Boracay Island Administrator Glenn
Sacapaño, suportado at kinikilala maging ng office of the mayor ang mga
kahalintulad na adbokasiya.
Kung kaya’t sinabi nito na kung may mga interesado pang
tumulong para sa seguridad ng isla, ay lumapit at makipagtulungan, kaysa sa
sirain ang imahe ng Boracay.
Ang serbisyo ng Boracay Action Group, ay libre para sa
lahat at maaaring tumawag sa mga hotlines 888, o sa 036-288-2338. | md102012
wala sila cp number?
ReplyDelete