Matapos ang ilang magkasunod na insidente ng sunog sanhi ng
mga spaghetti wire ng Akelco sa Boracay, kinumpirma ngayon ni Fire Inspector
Joseph Cadag ng Bureau of Fire Malay-Boracay na patuloy ang kanilang pagbabantay
at kampanya laban sa sunog.
Sa panayam kay Cadag, sinabi nitong nakikipag-ugnayan parin
sila sa AKELCO o Aklan Electric Cooperative hinggil sa pagsasaayos ng mga
spaghetti wire o mga nakahambalang na mga kawad ng kuryente dito.
Kamakailan kasi ay may isang bahay sa sitio Hagdan, barangay
Yapak ang muntik nang masunog dahil sa umano’y pagdikit ng dalawang kable ng
kuryente sa bubong nito.
Maliban dito ay may mga nagreklamo ding nawalan ng suplay ng
kuryente sa barangay Balabag dahil sa isang poste ng AKELCO na nagka short
circuit.
Dahil dito ay nanawagan naman itong muli sa lahat ng mga
residente at maging sa mga establisemyento komersyal sa Malay at Boracay, na
maging maingat sa sunog sa lahat ng pagkakataon.
Dagdag pa nito, ang programa at kampanya umano ng Bureau of
Fire ay tuloy-tuloy, sa pamamagitan ng mga pag-inspeksyon para mapalagaan ang
buhay at ari-arian ng taumbayan.
No comments:
Post a Comment