Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Lumalabas ngayon na nangangailangan pa pala ng karagdagang
pag-endorso mula sa iba’t-ibang sector sa isla ng Boracay at buong probinsiya
ang reklamasyon sa Caticlan.
Ito ay upang lubusan na ngang kaselahin at mawalan ng bisa
ang Temporary Environmental Protection Order (TEPO) na ibinigay ng Supreme
Court laban sa proyekto ito ng probinsiya, makaraang sampahan ng kaso ng Boracay
Foundation Incorporated (BFI) ang may proposisyon at sangkot para mapursige ang
proyektong ito sa Caticlan.
Sa panayam kay Atty. Allen Quimpo Legal Consultant ng pamahalaang
probinsiya ng Aklan, sinabi nitong humiling umano ngayon ng Korte Suprema na
magkaroon pa ng daragdagang pag-endorso mula sa iba’t-ibang sector ang
proyektong gaya ng endorsement na maibibigay ng mga Non-government organization
(NGOs).
Ito ay dahil ang pag-endorso sa 2.6 hectar na reklamasyon sa
Caticlan na ibinigay ng bayan ng Kalibo , Nabas, Malay, Barangay Caticlan at
No-objection ng BFI ay hindi pa sapat para makumbinsi ang kataas-taasang
hukuman para mawalan ng bisa ang TEPO at maka-usad na nga ang proyekto.
Bunsod nito, umaapela ngayon si Quimpo sa mga NGO’s sa
Boracay na maaaring makapagbigay ng pag-endorso sa proyekto na makipatulungan
sa pamahalaang probinsiya gayong ang reklamasyong ito ay para din sa ikakabuti
umano ng Boracay at mga turista dito.
Matatandaang naging kontrobersiyal ang proyekto ito nang
hindi inindurso ng Sangguniang Bayan ng Malay dahil sa tila minaliit ng
probinsiya ang kakayanan ng endorsement ng SB sapagkat hindi na umano kailangan
pa nang ihabla ng BFI ang pamahalaang probinsiyal, Philippine Reclamation
Authority (PRA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na
siyang nagbigay ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa reklamasyon sa
kabila ng apela ng mga stakeholders sa Boracay na magkaroon muna ng masinsinang
pag-aaral kung ano ang epektong dala ng proyekto sa kapaligiran lalo na sa
daloy ng tubg sa dagat ng Caticlan at Boracay.
No comments:
Post a Comment