Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Nagbigay na ng paliwanag sa Sangguiniang Panlalawigan ng
Aklan ang Land Transportation Office (LTO) Aklan kaugnay sa reklamo may
kinalaman na operasyon ng mga kolorum na mga L300 Van na bumibiyahe sa rutang
Caticlan-Kalibo vice versa.
Ito ay makaraan magpa-abot ng kaniyang reklamo sa SP ang
Pangulo ng Federation of Aklan Integrated Transport, Inc. o FAITI na si Felix “Nonoy”
Sefres dahil sa di umano ay nasisira na ang kabuhayan ng mga jeepney driver na
may rutang Kalibo, Caticlan, Ibajay, Tangalan dahil sa hindi mapigil-pigil na
pananalasa ng mga kolorum na van.
Subalit sa paliwanag ng LTO, madalas din umano silang
nagkakaroon ng checkpoint sa National Highway, at sa listahan ng mga plate
number na isinumite ni Sefres na siyang pinaghihinalaang kolorum na mga van ay
hindi naman umano nila natiyempuhan o may nahuli ni isa sa mga nakalista doon.
Bunsod nito ang SP Aklan na rin ang nagmungkahi sa paraan ng
pagpasa ng resulosyon na humihiling sa Land Transportation and Franchising
Regulatory Board (LTFRB) Regional Office 6 na kung maaari ay magkaroon sila ng
masinsinang pagsisiyasat at agresibong pagman-man ukol sa usaping ito.
No comments:
Post a Comment