Ni Edzel
Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Kapag lumampas na ng anim na buwan ang
isang empleyado sa trabaho, ayon sa batas, ay magiging regular na ang estado
nito, lalo pa ngayong binigyan na ng ngipin ang batas na ito, na sagot naman sa
madalas na tanong ng mga empleyado sa Boracay.
Nilinaw ito sa isang panayam kay Bidiolo
Salvador, OIC Provincial Officer ng Department of Labor and Employment o
DOLE-Aklan.
Ayon dito, kapag lumampas o sumapit na
sa anim na buwan at isang araw na nagtatrabaho ang isang indibidwal sa isang
establishemento ay awtomatikong regular na ang estado nito at hindi na maaaring
tanggalin sa trabaho nang walang rason.
Ito ay kahit pa may kontrantang
pinanghahawakan ang employer na hanggang anim na buwan lamang nila itong
inimpleyo, pero tila wala pang balak ang employer na bitiwan ang naturang
empeyado.
Mariin ding inihayag ni Salvador na
mali ang gawain ng ilang employer na bago at hindi pa tapos ang kontrata ng
nagtatrabaho dito ay tatanggalin agad.
Ang pahayag na ito ni Salvador, ay
kasunod ng mga katanungang ipina-abot ng ilang empleyado sa Boracay, kaugnay sa
kanilang estado sa trabaho na tila wala parin linaw hanggang sa ngayon.
No comments:
Post a Comment