Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Hinimok ni Aklan Congressman Florencio Joeben Miraflores ang
mga stake holders at mga residente sa isla na magpakonekta na sa sewerage
system.
Ito ay dahil target aniya ng pamahalaan na susunod na mga
taon ay nakakonekta na sana ang mga ito sa sewerage.
Kung iisipin, ayon kay Miraflores, suwerte ang Boracay dahil
kompleto na ang mga pasilidad na ginastusan pa ng pamahalaan gayon din ng mga
pribadong namumuhunan, lamang magkaroon ng sewerage system ang isla.
Subali’t ganoon na lang ang pagtataka nito kung bakit aniya ang
iba ay tila nagdadalawang isip pa na magpakonekta, kung saan ito ay para na rin
umano sana sa pagpreserba ng islang ito.
Magkaganoon man, nagpapasalamat pa rin ang nasabing
kongresista sa iba’t-ibang departamento at ahensya sa nasyonal na pamahalaan,
sapagka’t mayroong ganitong uri ng proyekto sa Boracay, na siyang pinaka
mahalaga aniya para sa isla.
Ang pahayag na ito ni Miraflores ay kanyang sinabi noong
Biyernes noong pinasinayaan ang bagong submarine pipe ng BIWC.
Magugunitang may batas na ang lokal na pamahalaan ng Malay
na lahat ng mga establisemyento sa isla ay dapat magkonekta sa sewerage system,
subali’t ang iba ay mistulang nagmamatigas pa.
No comments:
Post a Comment