Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Bagamat sumulat na umano ang Marina sa pamunuan ng Caticlan
Jetty Port kaugnay sa nais ng Department of Transportation and Communication
(DOTC) na magkaroon ng sapat na masasakyan ang publiko ngayong Mahal na Araw.
Nanindigan si Jetty Port Administrator Nieven Maquirang na
ipapatupad parin nila ang kautusang limitahan ang mga barkong dadaong sa
Caticlan, sapagkat iisang rampa lamang aniya hanggang sa ngayon ang maaaring
gamitin.
Gayon paman mayroon pa naman aniyang ibang pantalan na pwedeng
mapagdaungan ng mga barko katulad sa Bayan ng New Washington at Antique.
Dahil dito para maiwasang ma-stranded ang mga pasahero sa
Caticlan Jetty Port, lalo na kung sabay-sabay na magsibalikan ang mga
bakasyunistang ito.
May nailatag na rin aniya silang solusyon para sa katulad na
suliranin, kung saan sa koordinasyon sa mga kumpaniya ng bus ayon kay Maquirang
ay napakahalaga sa pagkakataong ito, ng sa ganon ay makontrol din ang pagdating
ng mga pasahero na sasakay sa RORO para hindi ma-stranded sa pantalan.
No comments:
Post a Comment