Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Halos hindi na makaka-aksiyon pa ang Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) ng Malay kaugnay sa mga suliranin may kilaman sa mga namamalimos at pagala-gala sa isla ng Boracay, dahil ang bagay na ito ay pinu-problema din nila ngayon kung papano gagawin.
Ayon kay Magdalena Prado, Municipal Social Welfare Officer, dahil sa mga batas na nagpo-protekta sa mga katutubo at sa mga kabataang sangkot sa ganitong gawain, nahihirapan din ang tanggapan nila sa pagbigay sulosyon sa bagay na ito.
Sinabi din ni Prado na kapag piniliit nila ang nais nilang mangyari, maaaring malabag ng MSWDO ang batas, katulad lamang ng pagtataboy at hindi papapasukin sa Boracay ang mga katutubong ito, na labag naman sa karapatang pantao.
Maliban dito, sinabi rin ni Prado na lahat na yata ng tanggapan na maaaring makapagbigay ng payo sa kanila para mapigil na sana ang nakakaalarmang pagdami ng mga namamalimos at pagala-gala sa isla.
Katunayan, nadulong na nito ayon kay Prado sa Commission on Human Rights at National Commission for Indigenous People (NCIP), subalit wala pa ring nakuhanang malinaw na solusyon.
Pansamantalang nagpapatulong na lang aniya sila ngayon sa mga opisyal ng Barangay, lalo na para sa proteksiyon ng mga minor de edad na ginagamit para mamalimos.
Naniniwala din ito na sa tulong ng Barangay, Pulis, MAP at LGU, sa paraan ng pagbuo nila ng “tandem”, ay maaaring mabigyan nila ito ng kahit pansamantalang lunas.
Magugunitang ipinatawag si Prado ng Sangguniang Bayan ng Malay, ukol sa problemang nakita sa Boracay, para ipaliwanag partikular ang hinggil sa pagdami ng mga namamalimos na paslit, katutubo at mangangalakal na bigla na lamang susulpot sa mga kainan para manguha ng bote o lata na kahit nakapatong sa misa at may lamang pa ay kinukuha agad, na pangit naman di umano sa mga mata ng mga turista.
Samantala, sa bahagi naman ng LGU Malay, sinabi ni Island Administrator Glenn SacapaƱo na sinisita din ng mga MAP ang mga paslit na ito, pero tila hindi rin aniya natitinag, at minsan ay nakikipaghabulan at matapang pa sa kanila, kaya nababahala ang MAP na baka madisgrasya pa ang mga ito kapag pilitin nilang habulin.
No comments:
Post a Comment