Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Mariing pinabulaan ni Marilyn Yap, Alien Control Officer ng
Bureau of Immigration Boracay, na may natanggap itong reklamo mula kay Jergil
Suarez.
Itinanggi din nito ang pahayag ni Suarez na wala Special
Working Permit ang dayuhang nagtatrabaho dito sa isla.
Gayong pa man, animano ito na mayroon nga at marami ang mga
ito, pero hindi naman umano nila alam sa ngayon kung mayroon man.
Kinumpirma din ni Yap na may mga nahuhuli na illegal na
naninirahan dito, pero sa ngayon ay pansamantala nilang itong itinigil dahil sa
sobrang abala nila ngayong sa trabaho at
paghahanda ng kanilang report, kaya limitado din ang sagot nito na tila
nagtataray pa.
Katunayan ay naghamon pa ito na puntahan sa tanggapan nila
para makita kung gaano sila kabala sa pag-ganap ng kanilang tungkulin.
Gayon pa man, sinabi ng huli sa mga nais magreklamo, na
direkta itong ipaabot sa kanilang tanggapan, at pangalanan ang taong
nirereklamo, kasabaqy ng pagpapahayag na hindi sila mag-aatubili na sumagot sa
mga reklamong ibabato sa kanila kung saka-sakali.
No comments:
Post a Comment