YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 19, 2012

Mala-Divisoriang front beach, kinuwestiyon ng SB Malay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mala-Divisoria na di umano ang mga paninda sa front beach ng Boracay, kaya ipinatawag ng Sangguniang Bayan ng Malay si Island Administrator Glenn SacapaƱo para matanong kung ano na ang nagyayari sa ilang mga ordinansa na ipinatutupad dito sa isla.

Bilang tugon ni SacapaƱo, sinabi nito na hindi naman aniya sila nagpapabaya sa paghabol sa mga ambulant vendors, at sa mga bangka na kahit saan lang pumaparada na klarong lumalabag sa ordinansa sa front beach.

Katunayan, madalas umano nila itong binibigyan babala, pero mistulang nagmamatigas pa rin.

Dahil dito, para mas mapagtibay ang nilalaman ordinansa at magkaroon ng iisang katayuan ang konseho at taga pagpatupad ng batas, hiniling ng administrador na kung maaari ay tulungan sila ng SB sa pagpalaganap ng nakasaad sa ordinansa para madaling maintindihan ng publiko.

Ito ay upang sakaling magka-problema man, hindi lahat ng sisi ay ibunton sa tagapagpatupad lang at hindi ito maiwang nakatiwangwang.

Kaugnay nito, nangako ang SB Malay na babalikan o ire-review nila ang lahat ng ordinansa may kinalaman sa mga batas na ipinapatupad sa front beach para ma-protektahan din ang implementor.  

No comments:

Post a Comment