YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label BTDA. Show all posts
Showing posts with label BTDA. Show all posts

Tuesday, May 31, 2011

DOT Director Trompeta, wala na kayang tiwala sa kakayahan ng LGU Malay?

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Hindi man diriktang sinabi ni Regional Director Edwin Trompeta ng Department of Tourism na may pagkukulang at  mistulang walang kakayahan ang Lokal na pamahalaan ng Malay na pamunuan ang ano mang programa o stratihiya na ipapatupad  upang  magkaroon na ng direksyon ang pag-asenso ng Boracay,nailathala naman sa isang pahayagan ang kawalan ng tiwala nito.

Nang tanungin ng himpilang ito kung may pagkukulang nga talaga ang LGU Malay sa mga kahalintulad na istratihiya,hindi “oo” o “hindi” ang sagot nito kundi ang katagang “probably”.

Kung saan ipaliwanag ni Trompeta, na ang ano mang plano o aksyong gagawin ng tanggapan nila ay magsisilbing tulong na para sa mga namumuno sa bayan o LGU Malay upang ihanda ang isla para sa pang-international na standard sa kabuuan, maging istraktura man o serbisyo.

Trompeta, may plano para sa Boracay

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Sa hangaring maisaayos at  maging kaayaaya ang mga istraktura sa isla ng Boracay,kinumpirma ngayon ni  DOT Region 6 Director Edwin Trompeta na meron itong plano o proposisyong magbuo ng Boracay Tourism Development Authority o BTDA.

Ayon kay Trompeta ang nasabing development authority ay naglalayong gabayan ang patuloy na pag-unlad ng isla ng Boracay, dahil maging sila sa DOT ay wala pang nakikitang matatagtag na ideya kung paano ito mapapaunlad pa.

Kaugnay nito umaasa umano sana si Trompeta na mayroong nang  Boracay  Comprehensive Land Use Plan CLUP ang Malay para dito, subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito aprobado.

.Maliban dito, nakalathala na rin ngayon sa mga pahayagan na tila nagdududa rin ito kung kakayanin pa ng LGU Malay na maisaaayos ang lahat o kung maipapatupad nga ba ang nakasaad sa CLUP.

Sinabi din ni Trompeta sa panayam ng YES FM na ang nagplano ng BTDA ay si Congressman Joeben Miraflores matapos siyand magpasa ng Batas sa kongreso katulad ng pagkakaroon ng CLUP.