YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label Sangguniang Bayan Malay. Show all posts
Showing posts with label Sangguniang Bayan Malay. Show all posts

Monday, June 27, 2011

Pangulong Benigno Aquino III, may kahilingan sa talumpati nito para sa Boracay

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Matuwid na daan, kahalagahan ng matibay na inprastraktura at proyekto,trabaho at ugnayan ng pribadong sector at gobyerno.

Ito ang naging sentro ng talumpati ni Pangulong Noynoy Aquino III nang pasinayaan nito ang bagong Caticlan/ Boracay Airport nitong araw ng Sabado.

Subalit ang labis na nakatawag pansin sa kanyang talumpati ay ang pagsinggit nito ng kanyang disposisyon tungkol sa Casino.

Tahasan nitong sinabi maging sa harap ng mga dumalong negosyante doon ang mga katagang “huwag na ninyong lagyan ng Casino dito”.

Ang nasabing pahayag ay ikinagulat at ikinamangha ng mga naroon.

Matatandaang, ang talumpati nito ang isa sa inaabangan ng tao doon,kung ano ang magiging plano nito para sa Malay at Boracay kasabay ng pagpalit ng Adminitrasyon mula kay dating PGMA. 

Monday, May 30, 2011

Pagbebenta ng endangered species ng shells sa Boracay, ipagbabawal na

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Plano ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay na magpasa ng isang ordinansang magbabawal sa  pagbebenta ng mga endangered species ng sea shells sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos na makakumpiska ang mga kapulisan sa Kalibo International Airport at Caticlan Airport ng mga items na gawa sa shells na pinaniniwalaang endangered at ibebenta sa mga turista.

Kaugnay nito, nang mabatid ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang naturang balita, agad namang nagpaabot ng pagsuporta ang mga ito sa ordinansang ipapasa ng SB-Malay kung saka-sakali.

Samantala, iminungkahi naman ng Sangguniang Bayan ng Malay sa BFAR na maglatag ng pag-inspeksiyon sa mga commercial establishments upang malaman at makilala yaong mga nagbebenta ng mga nabanggit na endangered shells.