YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 01, 2011

Malaynon, pang-mababang posisyon lang ba talaga pagdating sa trabaho?

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Nasa estado ng  Human Capacity Development ngayon ang lokal na pamahalaan ng Malay para sa mga Malaynon upang magkaroon ng abilidad na humawak ng tungkulin sa mataas na posisyon sa isang establisemento komersyal sa Boracay.

Ito ang inihayag ni Dennis Briones ng Malay Public Employment Office sa pakikipanayam ng himpilang ito.

Ang ganitong aksyon ayon dito ay mahalaga at malaki ang maitutulong upang magkroon ng patas na kompetinsya sa ibang mga trabahador sa Boracay na nagmula sa iba’t ibang lugar.

Ang pahayag na ito ay kaugnay sa odrinansang ipinapatupad sa bayan ng Malay na dapat ay apat na pung porsiyento ng kanilang empleyado ay Malaynon sana.

Subalit sa pagkaroon ng negatibong imahe ang mga ito sa kanilang mga employer, dahil sa madalas na pag-uwi sa oras ng trabaho at kakulangan sa nakitang kapabilidad na humawak ng isang mataas posisyon, aminado si Breones na tila hindi na hinihigpitan pa ngayon ng LGU Malay ang ganitong pulisiya, sapagkat mistulang hindi naman ito patas sa nagpapasahod.

Dahil dito mas mainam aniya kung pa unti-unti ay mapaunlad ang kakayahan ng Malaynon sa mga trabaho katulad ng “supervisory position”. 

No comments:

Post a Comment