(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)
Plano ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay na magpasa ng isang ordinansang magbabawal sa pagbebenta ng mga endangered species ng sea shells sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos na makakumpiska ang mga kapulisan sa Kalibo International Airport at Caticlan Airport ng mga items na gawa sa shells na pinaniniwalaang endangered at ibebenta sa mga turista.
Kaugnay nito, nang mabatid ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang naturang balita, agad namang nagpaabot ng pagsuporta ang mga ito sa ordinansang ipapasa ng SB-Malay kung saka-sakali.
Samantala, iminungkahi naman ng Sangguniang Bayan ng Malay sa BFAR na maglatag ng pag-inspeksiyon sa mga commercial establishments upang malaman at makilala yaong mga nagbebenta ng mga nabanggit na endangered shells.
No comments:
Post a Comment