YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 10, 2011

Produkto ng Buruanga, nahihigop ng Boracay


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Bagamat ang pangingisda ang ikinabubuhay ng Buruangahanon, pero tila apektado ang presyo ng isda sa nasabing lugar dala ng demand ng turismo sa isla ng Boracay.

Ito ang isa sa mga inihayag ni Bayan Muna Partylist Rep.Teddy Casiño sa talumpati niya sa isinagawang Panagat Festival.

Ayon dito, batay sa kanyang pagkakaalam ay apektado na ang kabuhayan ng mga tao sa nasabing lugar dahil wala na halos silang nabibili na murang isda dahil napupunta na ito sa isla ng Boracay.

Dagdag pa ni Casiño, dapat aniya na maging malikhain ang namumuno sa ganitong pagbabago para hindi maisantabi ang ibang aspeto kung pagtutuunan ng panahon ang turismo sa nasabing bayan.

Turismo, dapat para sa tao ---- Casiño


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

“Sa turismo, dapat magsimula sa right foot.”

Ito ang paalala ni Bayan Muna Rep.Teddy Casiño, dahil sa ang tuirsmo ay hindi lamang aniya para sa turista, dapat din umanong maging “pro-people” din ito, at ang mamamayan ang dapat na makinabang dito.

Ayon pa dito, kapag napabayaan ang turismo ay maaaring magiging kakabit nito ang bisyo at ilang negatibong epekto sa kultura. Sinabi din ng mambabatas na napag-alaman na rin niya mula sa alkalde na may ilang mga investor na ang bumibili ng lupa sa nasabing bayan.

Gayum pa man, sinabi nito na sana ay hindi lumabas na ang mga mamamayan pa ang maging squatter sa sarili nilang bayan.

Samantala, inihayag din nito na kung ano man ang maging problema o concern mula sa mga tao sa probinsyang ito ay bukas ang kanyang tangggapan ano mang oras para sa mga ito.

23-Anyos na lalake sa Tangalan, Aklan, nalunod, patay

(Ni Malbert Dalida, YES FM Senior Field Reporter)

Patay ang isang 23-anyos na lalaki makaraang malunod sa Brgy. Hawili, Tangalan, Aklan kahapon ng madaling araw.

Kinumpirma ni PO2 John Paclibar ng Tangalan PNP ang nasabing insidente at kinilala ang biktima bilang si Manny Masula, isang mangingisda, at resident eng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbistigasyon ng mga otoridad, nasa laot ang pangkat at kasama ang biktima nang umano’y gumising ito upang magbawas ng tubig sa katawan. Subali’t dahil sa tila naalimpungatan at nahampas umano ng hangin ang biktima ay bigla na lamang itong nahulog mula sa bangka.

Kaagad naman itong hinanap ng kanyang mga kasamahan subalit hindi na ito nakita, kung kaya’t minarapat ng mga itong magsumbong sa otoridad sa paniniwalang nalunod na ang biktima.

Dakong alas-nebe na ng umaga kahapon ng nang marekober ang bangkay nito, di kalayuan sa pinangyarihan ng insidente.

Nasa masusing imbestigasyon ng mga otoridad ang nasabing kaso.

Lalaki, patay sa rambol sa Boracay


(Ni Malbert Dalida, Senior Field Reporter)

Dead on arrival sa ospital sa Boracay ang isang bente-kwatro anyos na lalaki makaraang mabugbog sa isang rambol sa Sitio Angol, Manoc-manoc, Boracay noong Mayo a-singko, taong kasalukuyan.

Malubhang pinsala sa ulo ang tinamo ng biktima na si Renan Borbon ng Bat-os, San Ramon, Pilar, Capiz, habang nagtamo rin ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang mga kasamahan nitong sina Roque Lorenzo y Manugid, trenta’y-dos anyos ng Kalibo, Aklan, at Jobert Dolar y Porras, bente uno anyos ng Lemery, Iloilo.

Ayon sa police report ng Boracay PNP, dakong alas-onse kagabi matapos ang inuman sa isang tindahan sa nasabing barangay, pauwi na sana ang mga ito nang umano’y harangin ng mga suspek na sina Christopher Cahilop y Casimiro, Jerry Casimiro y Griño at Raymond Tibio ng Tasblas, Romblon, nasa legal na mga edad at pawangresidenta ng Brgy. Manoc-manoc.

Armado umano ng isang patalim ang suspek na si Raymond habang bato naman ang hawak ni Christopher nang daluhungin ng mga ito ang mga biktima hanggang isang rambol ang naganap.

Tumakas at naiwan ng mga kasama si Borbon na sinasabing pinagtulungang bugbugin ng mga suspek.

Duguan na ito nang balikan ng mga kasama na humingi ng saklolo sa mga otoridad at agad itong isinugod sa ospital subali’t idinelekrang dead on arrival.

Arestado naman ang dalawa sa tatlong suspek at nasa kustodiya ng Boracay PNP habang pinaghahanp naman ang isa sa mga ito na si Raymond Tibio.

Friday, May 06, 2011

PCCI Boracay, humiling ng kooperasyon sa probinsya at lokal na pamahalaan ng Malay


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Naglabas ng sulat ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Boracay, bilang sector ng mga stakeholder  upang ipaabot nila ng kahilingan at suhistiyon na sana magkaroon ng kooperasyon ang pamahalaang probinsyal at pamahalaang lokal ng Malay lalo na kung usapin hinggil sa malawak na hanay ng inprastraktura  na makakaapekto  sa kapaligiral at stratehiya sa pagni-negosyo.

Hiniling din ng mga ito na sana sa pagpaplano at pagbuo sa pagpapatupad ng proyekto, nawa ay magkaroon muna ng bukas na diskasyon o pakikipag-ugnayan sa kumunidad ng Boracay at mainland Malay, sapagkat ang mga ito ang unang maaapektuhan ng ano mang pina-plano.

Gayon din sa mga negosyante dahil ang mga ito lang din ang nakakaalam kung ano ang epektong dala nito sa nasabing sector.

Samantala ang naturang sulat na yaon na nilagdaan ng Pangulo ng PCCI na si Ariel Abraim at pinadalhan din si Department of Tourism Sec. Alberto Lim, Sec Ramon Paje ng DENR, Cong. Joeben Miraflores, Vice Gov. Bellie Calizo Quimpo, Mayor John Yap at Alan Palma Sr. ng Yes Fm Boracay.