YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label Teddy Casiño. Show all posts
Showing posts with label Teddy Casiño. Show all posts

Tuesday, May 10, 2011

Buruanga bilang Tourism Area, isang “brilliant idea” --- Casiño


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Isang magandang ideya ang pag-dedevelop sa Buruanga bilang isang tourist area.

Ito ang naging reaksyon ni Bayan Muna Partylist Rep.Teddy Casiño sa malaking pagbabagong inaasahan sa bayan ng Buaranga kung gagawing tourism area ang nasabing lugar.

Naniniwala din ito na ang Panagat Festival ay isa din sa magtatampok sa naturang bayan para makikilala at maging isangt dagdag na atraksyon sa isinusulong na turismo.

Pero, para kay Casiño hindi ibig sabihin na kapag tourism area na ang nasabing lugar ay gaganda ang lahat pati ang buhay ng mga tao, gayon din ang kapaligiran sa lugar na ito.

Sapagkat para dito, ang turismo ay maituturing na isang “double-edged sword”, at nakadepende aniya kung papano ito palalaguin ng namamahala para hindi matulad sa ibang tourist destination sa bansa na mayroon mga negatibong epekto.

Inihalintulad din ng nasabing mambabatas ang sitwasyon ng isla ng Boracay na, ayon dito, ay mistula nang “Shoe Mart” (SM).

Turismo, dapat para sa tao ---- Casiño


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

“Sa turismo, dapat magsimula sa right foot.”

Ito ang paalala ni Bayan Muna Rep.Teddy Casiño, dahil sa ang tuirsmo ay hindi lamang aniya para sa turista, dapat din umanong maging “pro-people” din ito, at ang mamamayan ang dapat na makinabang dito.

Ayon pa dito, kapag napabayaan ang turismo ay maaaring magiging kakabit nito ang bisyo at ilang negatibong epekto sa kultura. Sinabi din ng mambabatas na napag-alaman na rin niya mula sa alkalde na may ilang mga investor na ang bumibili ng lupa sa nasabing bayan.

Gayum pa man, sinabi nito na sana ay hindi lumabas na ang mga mamamayan pa ang maging squatter sa sarili nilang bayan.

Samantala, inihayag din nito na kung ano man ang maging problema o concern mula sa mga tao sa probinsyang ito ay bukas ang kanyang tangggapan ano mang oras para sa mga ito.