YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label Buruanga. Show all posts
Showing posts with label Buruanga. Show all posts

Saturday, January 12, 2013

Deboto ni Sr Sto. Niño, inaanyayahang makiisa sa selebrasyon ng Ati-Atihan sa Boracay bukas


Iniimbitahan ng Parokya sa Boracay ang lahat ng mga mamamayan, bisita sa isla at mga karatig-bayan ng Malay na pumunta sa selebrasyon ng papuri kay Sr. Sto. Niño bukas.

Sa isang pahayag ni Rev. Fr. Arnold Crisostomo, Leader ng Team Ministry sa Parokya ng Boracay, inaanyayahan nito ang lahat na saksihan ang kasayahan lalo na ang mga turista para ipakita sa mga ito ang pananampalataya ng mga Pilipino o Aklanon.

Ayon pa sa kanya, ang selebrasyon ay parte na ng tradisyon ng bawat Aklanon sapagkat naipapakita natin ang ating pananalig hindi lamang sa pagdarasal kundi maging sa pagsasayaw.

Inaasahan umano ng pari na ang mga bisita at mga mamamayan sa isla ng Boracay ay makilahok din sa pagdiriwang na ito bukas.

Maging ang mga kalapit na bayan ng Malay tulad ng Nabas, Ibajay at Buruanga ay iniimbitahan din nitong makiisa sa naturang pagtitipon. #ecm012013

Tuesday, May 10, 2011

“Buruanga: Next to Boracay”


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Nasa priyoridad na ngayon ng local na pamahalaan ng Buruanga ang hakbang tungo sa ekonomiyang turismo, ito ang inihayag ni Mayor Quezon Labindao ng bayan ng Buruaga sa pinaka-una nitong Panagat Festival na ipinagdiwang nitong nagdaang Biyernes, ika-anim ng Mayo.

Kaugnay nito, inihayag ng Alkalde na bukas siya sa mga suhestiyon mula sa nasasakupan nito upang makamit nila ang perpektong pamamahala sa kanilang bayan.

Patunay sa pagbabago ng kanilang ekonomiya ay ang paglulunsad nila ng Panagat Festival para maipakita ang kanilang ikinabubuhay, kultura at ang iba pang ipinagmamalaking yaman ng kanilang bayan.

Buruanga bilang Tourism Area, isang “brilliant idea” --- Casiño


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Isang magandang ideya ang pag-dedevelop sa Buruanga bilang isang tourist area.

Ito ang naging reaksyon ni Bayan Muna Partylist Rep.Teddy Casiño sa malaking pagbabagong inaasahan sa bayan ng Buaranga kung gagawing tourism area ang nasabing lugar.

Naniniwala din ito na ang Panagat Festival ay isa din sa magtatampok sa naturang bayan para makikilala at maging isangt dagdag na atraksyon sa isinusulong na turismo.

Pero, para kay Casiño hindi ibig sabihin na kapag tourism area na ang nasabing lugar ay gaganda ang lahat pati ang buhay ng mga tao, gayon din ang kapaligiran sa lugar na ito.

Sapagkat para dito, ang turismo ay maituturing na isang “double-edged sword”, at nakadepende aniya kung papano ito palalaguin ng namamahala para hindi matulad sa ibang tourist destination sa bansa na mayroon mga negatibong epekto.

Inihalintulad din ng nasabing mambabatas ang sitwasyon ng isla ng Boracay na, ayon dito, ay mistula nang “Shoe Mart” (SM).

Produkto ng Buruanga, nahihigop ng Boracay


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Bagamat ang pangingisda ang ikinabubuhay ng Buruangahanon, pero tila apektado ang presyo ng isda sa nasabing lugar dala ng demand ng turismo sa isla ng Boracay.

Ito ang isa sa mga inihayag ni Bayan Muna Partylist Rep.Teddy Casiño sa talumpati niya sa isinagawang Panagat Festival.

Ayon dito, batay sa kanyang pagkakaalam ay apektado na ang kabuhayan ng mga tao sa nasabing lugar dahil wala na halos silang nabibili na murang isda dahil napupunta na ito sa isla ng Boracay.

Dagdag pa ni Casiño, dapat aniya na maging malikhain ang namumuno sa ganitong pagbabago para hindi maisantabi ang ibang aspeto kung pagtutuunan ng panahon ang turismo sa nasabing bayan.

Turismo, dapat para sa tao ---- Casiño


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

“Sa turismo, dapat magsimula sa right foot.”

Ito ang paalala ni Bayan Muna Rep.Teddy Casiño, dahil sa ang tuirsmo ay hindi lamang aniya para sa turista, dapat din umanong maging “pro-people” din ito, at ang mamamayan ang dapat na makinabang dito.

Ayon pa dito, kapag napabayaan ang turismo ay maaaring magiging kakabit nito ang bisyo at ilang negatibong epekto sa kultura. Sinabi din ng mambabatas na napag-alaman na rin niya mula sa alkalde na may ilang mga investor na ang bumibili ng lupa sa nasabing bayan.

Gayum pa man, sinabi nito na sana ay hindi lumabas na ang mga mamamayan pa ang maging squatter sa sarili nilang bayan.

Samantala, inihayag din nito na kung ano man ang maging problema o concern mula sa mga tao sa probinsyang ito ay bukas ang kanyang tangggapan ano mang oras para sa mga ito.