Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Isang buwan bago gunitain ang unang taong anibersaryo ng
pagpapasara ng isla ng Boracay, ipinanukala ngayon ni Sangguniang Bayan Member
Lloyd Maming na gawing holiday ang April 26.
Sa kanyang mensaheng ipina-abot sa 9th regular session ng
Malay, iminungkahi niya sa plenaryo na gawing holiday ang April 26 sa bayan ng
Malay bilang pag-alala ng simulang ipinasara ito at tawaging “Cesspool” ni
Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Maming tatawagin itong Environmental Awareness Day
sakaling maaprubahang gawing holiday ang naturang petsa.
Suhestyon naman ni Sangguniang Bayan Member Dante
Pagsuguiron, i-refer muna ito sa Committee on Appropriations upang pag-usapan
ng mabuti ang kahilingan ni SB Maming.
Dagdag pa ni Pagsuguiron dapat itong pag-usapan sa komite
dahil magiging kumplikado ito sa local holiday ng Malay ngayong March 18 kung
saan na ginugunita ang seperasyon ng Romblon sa Panay.
Kaugnay naman nito, iginiit ni SB Frolibar Bautista, na
huwag na itong gawing holiday dahil isa lang itong dahilan upang ala-alahanin
ang malungkot na nangyari sa isla.
Samantala, kailangan pa ng masusing pag-uusap ng miyembro
ng SB Malay kung ito bang panukala ni SB Maming ay ikonsidera.
No comments:
Post a Comment