Teresa A. Iguid
YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Photo Credit: Donnie Rey Supe |
Isinugod sa Ibajay District Hospital ang nasa siyam na
pasahero matapos sumalpok sa puno ang isang pampasaherong bus kaninang umaga sa
Brgy. Colong-Colong Ibajay.
Sa panayam sa naturang pagamutan, siyam na pasyente ang
dinala doon bandang alas nuebe ng umaga kung saan dalawa dito ang ini-refer sa
isang ospital sa bayan ng Kalibo dahil sa natamong sugat sa ulo.
Ang mga isinugod sa Kalibo ay sina Paterna Runes,
62-anyos at Devine Elizabeth Runes 15-anyos , kapwa residente ng Agbago,
Ibajay.
Sa ngayon ang pitong pasyente ay patuloy pa ring
ginagamot dahil sa mga natamong sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan na sina
Felesporo Gina, 37-anyos, Adelaida Magalona 59-anyos, Zoren Suan 28-anyos,
Jovelyn Solomon 24-anyos, Oliver Bogoy 26-anyos, Joseph Paterno 51-anyos, Mark
Nel Villar 25-anyos at pawang mga residente ng Antique.
Batay sa report ang RM Bus Liner ay mula sa Antique at
papunta sana sa bayan ng Kalibo nang mawalan ng kontrol ang driver bago
sumalpok sa puno ng Mahogany.
Samantala ayon naman kay PO1 George Regalado ng Ibajay
PNP, pinaghahanap parin ang tumakas na driver kasama ang konduktor ng naturang
bus habang patuloy naman ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.
No comments:
Post a Comment