Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Ipapasara at ipawalang-bisa ang nasa sampung resort at
establisyemento sa Boracay na naunana ng nabigyan ng Certificate of Compliance
dahil sa mga irregularidad sa pag-proseso ng compliance ng mga ito.
Ito ang pagbubulgar ni Undersecretary Sherwin Rigor ng
Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ginawang press noong
Sabado.
Ang mga establisyementong ito umano ay inisyuhan na
compliance certificate kahit hindi pa nakapag-comply o nakumpleto mga
requirements na hinihiling ng LGU Malay at ng DENR tulad ng easement, STP, at
accreditation.
Nabisto ito ng DENR matapos ang isinagawa nilang
pangalawang review at monitoring sa lahat ng nabigyan ng Compliance Certificate
sa isla.
Kaugnay nito, sisilbihan nila ng notice ang sampung
establishments na isara muna ang kanilang negosyo at i-comply lahat ng
requirements bago muling mag-operate.
“Bago pa sila binigyan ng permit to operate alam naman
nilang hindi sila compliant”, ani Rigor.
Anumang oras ngayon ay isasapubliko ng DENR ang pangalan
ng sampung establisyemento.
Kung matatandaan, inatasan noon ni DENR Sec. Roy Cimatu
ang EMB (Environmental Management Bureau) at MBG (Mines and Geosciences Bureau)
na suriing muli kung compliant ang mga hotel establishments na nabigyan ng
Environmental Compliance Certificate (ECC).
Samantala, ang sampung establesyimento na ito ay hiwalay
sa naunang mga resort at establisyementong sinilbihan ng notice of demolition
noong nakalipas na linggo.
No comments:
Post a Comment