BORACAY ISLAND-
Pinayagan na ng Boracay Inter Agency Task Force na muling maglayag ang mga
paraw sa isla ng Boracay.
Inanusyo ito ni DENR Usec. Benny Antiporda sa harap ng
mga turista bago ang ginawang “parade of watersports” kaninang umaga.
Ani Antiporda, ngayong araw, ang mga wind powered at
non-motorized sea activities lang muna ang papayagan at isusunod ang ibang
water sports tulad ng jetski, banana boat at parasailing sa November 7.
Naka-schedule naman ang island hopping sa November 15
kung saan ayon kay DENR Task Force Deputy Commander Al Orolfo, may area na sila
sa station 1 at 3 para maging pick-up point sa mga turista.
Ani Orolfo, napagkasunduan ng task force at mga asosasyon
na sa hotel o resort na ang bookings at reservation ng lahat ng watersports
activity para maiwasan ang mga illegal tour coordinator at commisioner.
Pinayuhan din nito ang mga turista na huwag makipag-transaksyon
sa mga walang ID at hindi accredited ng LGU-Malay.
Samantala, sa mahigit 160 units ng paraw ng MASBOI,
kalahati lang muna ang pinayagang mag-operate kasama ang SUP o Stand Up Paddle,
Kiteboarding at Wind Surfing.
Inanunsyo rin ng BIATF na pumalo sa 5,185 ang dami ng
turista ngayong araw kung saan nakakalat ang mga pulis at environmental
marshalls para pagsabihan ang mga nagkakalat.
Maliban sa ideyang citizens arrest, opsyon din ng task
force na patawan ng “community service” ang mga violators sa baybayin ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment