Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Pormal ng binuksan ang isla ng Boracay matapos itong
isara sa mga turista para isailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.
Ngayon araw, October 26, 2018 sa ginanap na programa sa
Cagban Jetty Port, pinangunahan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat
ang pag-deklara ng muling pagbubukas ng isla.
Dinaluhan din ito ng iba pang matataas na opisyal tulad
nina PNP Chief Oscar Albayalde, DILG Secretary Eduardo Ano, DOLE Secretary
Silvestre Bello III at Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Bago nito, nagkaroon muna ng ribbon cutting ceremony na
sinundan ng pagbibigay ng mensahe nina DENR Sec. Roy Cimatu, Aklan Governor
Florencio Miraflores, at nang Compliant Association of Boracay.
Sa press conference, ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, nasa
80% completion na raw ang Phase I ng kanilang road development project at
asahan umano na matatapos ito sa buwan ng Desyembre.
Samantala, muling nilinaw ni Sec. Cimatu na ang mga
compliant at accredited resort lamang ang papayagang magbukas at tumanggap ng
bisita.
Sa pinakahuling datos ng DOT, umabot na sa 157 compliant
establishments na may katumbas na 7, 308 kwarto ang nabigyan ng go-signal para
mag-operate.
No comments:
Post a Comment