Teresa A. Iguid,
YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
BORACAY ISLAND - Isang miyembro ng demolition team ang
nakuryente habang nagdi-demolish ng istraktura sa Laketown area kaninang umaga.
Ang biktima ay kinilalang si Arnold Padayao, 40 anyos ,
residente ng Tulubhan Manoc-Manoc at kasalukuyang nagtatrabaho sa ilalim ng PEO
o Provincial Engineering Office .
Hindi rin agad umano napansin ng mga residente at mga
kasamahan sa trabaho ang biktima dahil inakala ng mga ito na ang putok na
narinig ay mula lang sa mga bagong kabit na linya ng kuryente.
Nang makita ang biktima ay agad itong isinugod sa Ciriaco
S. Tirol Memorial Hospital upang malapatan ng paunang lunas.
Samantala, dahil sa kanyang maselan na kondisyon ay
pinayuhan ito na ilipat sa isang ospital sa bayan ng Kalibo.
Sa ngayon ay patuloy umano itong binibigyan ng atensyong
medikal sa ICU ng naturang ospital.
No comments:
Post a Comment