YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 24, 2018

Pagkuha ng Transporatation Assistance dagsa parin sa DSWD

Posted May 24, 2018
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting and indoor
Mag-iisang buwan matapos i-anunsyo ang anim na buwang rehabilitasyon ng isla ng Boracay, dagsa parin ngayon ang pagkuha ng transportation assistance ng mga uuwing displaced workers sa opisina ng DSWD.

Sa panayam kay DSWD Focal Person Beverly Salazar, ayon sa kanilang datos nasa mahigit 8, 021 na ang natulungang displaced workers at tinatayang 19Million na ang halaga ng pera ang naipamahagi sa mga apektadong workers.

Sa ngayon aniya, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng assistance ng DSWD sa mga apektado ng Boracay Closure basta’t kumpletuhin lang ang requirements para madaling makakuha ng assistance.

Image may contain: 1 person, indoor
Apela ni Salazar sa mga nakakuha na ng transportation assistance na kung maaari ay huwag ng pumila ulit para maka-avail ng tulong pinansyal dahil makikita at makikita parin ito sa kanilang data kung sino na ang nabigyan.

Dagdag pa ni Salazar, marami na kase silang nahuling hindi parin naka-uwi sa kani-kanilang lugar pagkatapos na nabigyan ng pamasahe at ang iba ay pumipila parin.

Nilinaw din nito na mahigpit ang ginagawa nilang monitoring ngayon sa mga mag-a-avail pa ng assistance para mapunta ang tulong sa dapat mabigyan nito.

No comments:

Post a Comment