Yes The Best NEWS --- Dahil malapit na ang pasukan ay magbibigay ng
“Educational Assistance” ang DSWD sa mga residente na apektado ng pagsara ng
Boracay dahil sa patuloy na rehabilitasyon.
Ang financial assistance ay ibibigay sa mga magulang na
may estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo na nag-aaral sa pampubliko at
pribadong paaralan.
Ayon kay DSWD Operation Center Focal Person Beverly S.
Salazar, ang estudyante sa elementary at high school ay makakatanggap ng P
1,500 bawat isa at may karagdagang P 500 sa bawat kapatid na i-enroll ng
magulang.
Halimbawa, kung may tatlong anak ang hihingi ng
assistance ay makakatanggap ito ng kabuuang P 2,500.
Ang estudyante sa kolehiyo ay makakatanggap ng hanggang P
5,000 na ayuda mula sa DSWD.
Ito ang mga kailangang i-sumite na dokumento para
maka-avail ng “Educational Assistance”:
1) COLLEGE STUDENT - Enrollment Form o Registration Form
with stamp
ELEMENTARY OR HIGH SCHOOL - Certificate of Enrollment
with School Seal mula sa Principal o paaralan.
2) School ID ng mag-aaral o kahit anong patunay na siya
ay nag-aaral
3) Barangay Indigency o Certificate mula sa Barangay
Captain na nagpapatunay na ang iyong pamilya ay apektado ng Boracay Closure.
Dapat nakapangalan sa kliyente o magulang.
4) Valid ID ng kliyente o magulang.
5) Ang estudyante ay dapay “enrolled muna” bago mag-apply
ng Educational Assistance.
Samantala, nilinaw ni Salazar na ang lahat ng mga
nag-avail ng Cash for Work o kahit anong assistance ay pwede pa ring maka
benepisyo nito.
Agad namang ibibigay ang cash assistance kapag naipasa
ang lahat ng requirement at pumasa sa evaluation ng DSWD.
#YesTheBestBoracayNEWS
#DSWDEducationalAssistance
No comments:
Post a Comment