Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Mag-iisang buwan matapos i-anunsyo ang anim na buwang
rehabilitasyon ng isla ng Boracay, dagsa parin ngayon ang pagkuha ng
transportation assistance ng mga uuwing displaced workers sa opisina ng DSWD.
Sa panayam kay DSWD Focal Person Beverly Salazar, ayon sa
kanilang datos nasa mahigit 8, 021 na ang natulungang displaced workers at
tinatayang 19Million na ang halaga ng pera ang naipamahagi sa mga apektadong
workers.
Sa ngayon aniya, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng assistance
ng DSWD sa mga apektado ng Boracay Closure basta’t kumpletuhin lang ang
requirements para madaling makakuha ng assistance.
Apela ni Salazar sa mga nakakuha na ng transportation
assistance na kung maaari ay huwag ng pumila ulit para maka-avail ng tulong
pinansyal dahil makikita at makikita parin ito sa kanilang data kung sino na
ang nabigyan.
Dagdag pa ni Salazar, marami na kase silang nahuling
hindi parin naka-uwi sa kani-kanilang lugar pagkatapos na nabigyan ng pamasahe
at ang iba ay pumipila parin.
Nilinaw din nito na mahigpit ang ginagawa nilang
monitoring ngayon sa mga mag-a-avail pa ng assistance para mapunta ang tulong
sa dapat mabigyan nito.
No comments:
Post a Comment