Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Isang wake-up call sa lahat ang nakatakdang pagsailalim
ng Boracay sa State of Calamity ni Pangulong Rodrigo Duterte ayon ng Philippine
Chamber of Commerce & Industry- Boracay President Elena Brugger.
Ani Brugger, tanggapin sa positibong paraan ang hakbang
na gagawin ng pangulo dahil naniniwala siya na para ito sa ikabubuti ng
Boracay.
Ito na umano ang tamang oras na ang bawat isa lalo na ang
mga negosyante na makipag-pagtulungan para maisalba ang isla sa usaping kalikasan.
May legal din na basehan sakaling mangyari ito dahil partikular
na pinunto ng pangulo sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga opisyal ng
Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Malacanang na isinaalang-alang
nito ang isyung pangkalusugan at kaligtasan ng publiko.
Ani Brugger, huwag nang magsisihan at ang tanging gawin
ay suportahan ito upang ma-preserve ang natitirang likas na yaman at kagandahan
ng isla para may masisilayan pa ang mga turistang piniling magbakasyon sa white
beach na Boracay.
Kaugnay nito, pabor din ang lokal na Pamahalaan ng Malay
sa kagustuhan ng pangulo sa oras na isailalim sa state of calamity ang Boracay.
Sa ngayon ay wala pang petsa kung kailan ito ipapatupad
ng pangulo.
Nabatid, una nang nagbabala si President Duterte na
ipasasara ang Boracay kung hindi mareresolba ang isyung pang-kalikasan sa loob
ng anim na buwan.
No comments:
Post a Comment