Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Ito ang puna ni
Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero sa ginanap na SB Session kahapon sa
bayan ng Malay.
Nais ng konsehal na
mag-request sa transport office na pinamumunuan ni Malay Transportation Officer
Cesar Oczon ng kabuuang bilang ng mga sasakyan sa loob ng Boracay.
Partikular na
binanggit ni SB Gallenero ang mga sasakyan ng hotel, Haulers, Private Vehicle,
at Club Car maliban pa sa mga single motorbikes at public transport.
Paalala ni
Gallenero na dapat ay regulated, halimbawa nito ay mga hotel service kung saan
dapat nakadepende ito sa kung ilang kwarto mayroon ang kanilang hotel.
Samantala, sa
panayam naman kay Oczon, patuloy umano ang kanilang monitoring sa mga sasakyan ng
mga hotel dahil hindi nila ito pinahihintulutan na bumyahe kung wala silang parking area.
Sa mga mag
katanungan bukas ang kanilang opisina sa mga reklamo, maaari umanong tumawag sa
numerong 288-8767.
No comments:
Post a Comment