Pages

Friday, March 09, 2018

PCCI-Boracay pabor sakaling isailalaim ang Boracay sa “State of Calamity”

Posted March 9, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Isang wake-up call sa lahat ang nakatakdang pagsailalim ng Boracay sa State of Calamity ni Pangulong Rodrigo Duterte ayon ng Philippine Chamber of Commerce & Industry- Boracay President Elena Brugger.

Ani Brugger, tanggapin sa positibong paraan ang hakbang na gagawin ng pangulo dahil naniniwala siya na para ito sa ikabubuti ng Boracay.

Ito na umano ang tamang oras na ang bawat isa lalo na ang mga negosyante na makipag-pagtulungan para maisalba ang isla sa usaping kalikasan.

May legal din na basehan sakaling mangyari ito dahil partikular na pinunto ng pangulo sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Malacanang na isinaalang-alang nito ang isyung pangkalusugan at kaligtasan ng publiko.

Ani Brugger, huwag nang magsisihan at ang tanging gawin ay suportahan ito upang ma-preserve ang natitirang likas na yaman at kagandahan ng isla para may masisilayan pa ang mga turistang piniling magbakasyon sa white beach na Boracay.

Kaugnay nito, pabor din ang lokal na Pamahalaan ng Malay sa kagustuhan ng pangulo sa oras na isailalim sa state of calamity ang Boracay.

Sa ngayon ay wala pang petsa kung kailan ito ipapatupad ng pangulo.

Nabatid, una nang nagbabala si President Duterte na ipasasara ang Boracay kung hindi mareresolba ang isyung pang-kalikasan sa loob ng anim na buwan.

No comments:

Post a Comment