Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay
Isasailalim pa sa masusing pag-uusap ang nakatakdang paglabas
ng Moratorium sa pagtayo ng mga bagong gusali o istraktura sa isla ng Boracay.
Ito ang napag-desisyunan ng Sangguniang Bayan ng Malay sa
request ni Mayor Ceciron Cawaling dahil magiging bahagi ito ng anim na buwang action
plan alinsunod sa ultimatum na ibinigay ng Pangulong Duterte.
Nais ng mga konsehal na magkaroon muna sila ng pulong kasama
ang alkalde at mga department heads para mapag-usapan at maibalangkas ng maayos
ang probisyon ng Moratorium bago ito ipatupad.
Malinaw din dapat kung ito ba ay ipapatupad sa buong
Malay o sa Boracay lang.
Ayon kay SB Member Fromy Bautista, mas mainam na
imbitahan ang Committee on Land Use upang malaman ng publiko kung ano mga
pagbabago at plano ng pamahalaang lokal sa mga lupain sa Boracay.
Dahil sa mga nangyayari ngayon, paglilinaw ni Vice Mayor Abram
Sualog dapat magsakripisyo muna dahil kung patuloy na tumanggap ng aplikante
ang opisina ng Zoning at Engineering ay hindi na nila maaayos ang mga dapat
ayusin.
Ito na umano ang katuwang na aksyon na maibibigay ng
Sangguniang Bayan ng Malay para maayos na ang dapat maayos at ma-implementa na
ang mga nararapat na ipatupad sa loob ng anim na buwan.
Ayon sa pagsusuri, lumalabas na ang problema sa sewer,
wasterwater at illegal structure sa isla ng Boracay ay dulot ng mabilis na
development na hindi nasabayan ng imprastraktura kung kaya’t nagdulot ng
polusyon sa dagat.
Sa mga nakalipas na taon ay nagkaroon din ng Moratorium ang
Malay na inatasan ang bawat Barangay na
i-monitor ang mga nagpapatayo sa kanilang lugar at agad na i-report sa
munisipyo para masuri kung tumutupad sa ordinansa ng bayan.
No comments:
Post a Comment