Pages

Thursday, March 15, 2018

Moratorium sa Building Construction sa Boracay isasailalim pa sa masusing pag-uusap

Posted March 14, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 1 person, sitting, table and indoorIsasailalim pa sa masusing pag-uusap ang nakatakdang paglabas ng Moratorium sa pagtayo ng mga bagong gusali o istraktura sa isla ng Boracay.

Ito ang napag-desisyunan ng Sangguniang Bayan ng Malay sa request ni Mayor Ceciron Cawaling dahil magiging bahagi ito ng anim na buwang action plan alinsunod sa ultimatum na ibinigay ng Pangulong Duterte.

Nais ng mga konsehal na magkaroon muna sila ng pulong kasama ang alkalde at mga department heads para mapag-usapan at maibalangkas ng maayos ang probisyon ng Moratorium bago ito ipatupad.

Malinaw din dapat kung ito ba ay ipapatupad sa buong Malay o sa Boracay lang.

Ayon kay SB Member Fromy Bautista, mas mainam na imbitahan ang Committee on Land Use upang malaman ng publiko kung ano mga pagbabago at plano ng pamahalaang lokal sa mga lupain sa Boracay.

Dahil sa mga nangyayari ngayon, paglilinaw ni Vice Mayor Abram Sualog dapat magsakripisyo muna dahil kung patuloy na tumanggap ng aplikante ang opisina ng Zoning at Engineering ay hindi na nila maaayos ang mga dapat ayusin.

Ito na umano ang katuwang na aksyon na maibibigay ng Sangguniang Bayan ng Malay para maayos na ang dapat maayos at ma-implementa na ang mga nararapat na ipatupad sa loob ng anim na buwan.

Ayon sa pagsusuri, lumalabas na ang problema sa sewer, wasterwater at illegal structure sa isla ng Boracay ay dulot ng mabilis na development na hindi nasabayan ng imprastraktura kung kaya’t nagdulot ng polusyon sa dagat.

Sa mga nakalipas na taon ay nagkaroon din ng Moratorium ang Malay na inatasan ang bawat Barangay  na i-monitor ang mga nagpapatayo sa kanilang lugar at agad na i-report sa munisipyo para masuri kung tumutupad sa ordinansa ng bayan.

No comments:

Post a Comment