Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST BORACAY
Ito ang pahayag ni ManocManoc National High School Principal Victor Supetran patungkol sa mga
pabayang mag-aaral ng nasabing paaralan.
Dahil papatapos na ang School Year 2017-2018, paalala ni
Supetran sa mga magulang na alamin at subaybayan ang kanilang mga anak na
pumupunta sa paaralan kung ang mga ito ba ay pumapasok.
Ayon kay Supetran, sa naging pagpupulong nila ng mga
teachers ang pangunahing problema talaga ay ang Non-Personal Apperance ng mga
estudyante sa paaralan.
Dagdag pa nito hindi pa huli ang lahat dahil may mga
reports itong naitala na baka akala ng mga magulang ay pumapasok ang kanilang
mga anak pero drop na pala sa mga advisers.
Nabatid na matagal ng adbokasiya ni Supetran ang parents
participation at unannounced visit ng eskwelahan para doon nila malaman kung ito
ba ay aktibong pumapasok o hindi.
Kailangan umanong gabayan ng mga magulang ang mga bata at
hikayatin ang mga ito na seryosohin ang pag-aaral.
Napag-alamang ngayong taon ang first batch ng pagtatapos ng
mga Grade 12 na bahagi ng K – 12 Program ng DepEd.
No comments:
Post a Comment