Pages

Wednesday, February 14, 2018

I-monitor ang mga anak- Supetran

Posted February 14, 2018
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST BORACAY

“I-monitor ang mga anak”.

Ito ang pahayag ni ManocManoc National High School  Principal Victor Supetran patungkol sa mga pabayang mag-aaral ng nasabing paaralan.

Dahil papatapos na ang School Year 2017-2018, paalala ni Supetran sa mga magulang na alamin at subaybayan ang kanilang mga anak na pumupunta sa paaralan kung ang mga ito ba ay pumapasok.

Ayon kay Supetran, sa naging pagpupulong nila ng mga teachers ang pangunahing problema talaga ay ang Non-Personal Apperance ng mga estudyante sa paaralan.

Dagdag pa nito hindi pa huli ang lahat dahil may mga reports itong naitala na baka akala ng mga magulang ay pumapasok ang kanilang mga anak pero drop na pala sa mga advisers.

Nabatid na matagal ng adbokasiya ni Supetran ang parents participation at unannounced visit ng eskwelahan para doon nila malaman kung ito ba ay aktibong pumapasok o hindi.

Kailangan umanong gabayan ng mga magulang ang mga bata at hikayatin ang mga ito na seryosohin ang pag-aaral.

Napag-alamang ngayong taon ang first batch ng pagtatapos ng mga Grade 12 na bahagi ng K – 12 Program ng DepEd.

No comments:

Post a Comment