YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 16, 2018

Mga Lady Boy sa Front Beach sitahin – SB Malay

Posted February 16, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 3 people, people sitting, table and indoorUpang mawala na ang  na ginagawa ng mg lady boy sa isla ng Boracay, ipinagutos ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay na sitahin ito sa tuwing sila ay umaantabay sa kahabaan ng long beach.

Ayon kay Sangguniang Bayan Member Frolibar Bautista, dapat sitahin ang mga lady boy at tanungin kung ano ang kanilang ginagawa dahil nakaka-isturbo na umano ito sa mga turista dahil ang iba sa mga ito ay sinusundan at kinukulit habang naglalakad.

Aniya, mawawala itong lady boy kung may nagbabantay at tumitingin sa kanila sa kahabaan ng long beach at sa oras umano na mahuli ang mga may iligal na ginagawa maaaring puntahan ang tinutuluyan ng mga ito, hingan ng ID para makilala at kung walang maipakita hulihin.

Malaki ang papel ng Barangay para mahinto ang kalokohan na ginagawa ng mga ito sa isla kung saan inabisuhan rin ni Bautista ang opisina ng DOT at Malay Tourism Office na makipagtulungan sa mga pulis para ma-monitor ang hindi magandang gawain ng mga “lady boy”.

Komento naman ni Punong Barangay Hector Casidsid ng Yapak, ang modus naman umano sa kahabaan ng kanilang area sa Puka Beach ay nakikisabay rin ang mga lady-boy sa pag-sun bathing sa turista at paunti-unting kinukuha ang kanilang gamit.

Samantala, nag-request naman si BTAC Chief PSI Jose Mark Anthony Gesulga na kung maaari ay maglay ng office of prosecutor sa bayan ng Malay ito’y upang hindi mahirapan sa pagsampa ng kaso gayundin ang mga biktima ng iba pang kaso.

Ayon sa hepe, ang ilang turista ay gahol na sa oras sa pagproseso dahil pumupunta pa sa Kalibo para i-file ang kaso.

Dahil dito,  magre-request ang Sangguniang Bayan sa Department of Justice na maglagay ng Prosecutor Office sa Malay para sa agarang pagresolba ng mga kaso.

No comments:

Post a Comment