Posted August 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Nais ng mahinto o
masawata ng LGU-Malay ang problemang dulot ng mga lady-boy na nambibiktima ng
turista sa isla.
Nag-ugat muli ang
usapin sa mga baklang nagbebenta ng aliw ng nagkaroon muli ng insidente na
kinasasangkutan ng mga ito na ikinadismaya naman ni SB Member Fromy Bautista.
Nabatid sa police
report na may turistang Koreano na umano’y dinala ng isang lady-boy sa kanyang tinutuluyan
para sa isang gabing kaligayahan subalit mabilis na pumiglas ang turista dahil
nalaman nitong hindi pala babae ang kanyang kasama.
Dahil dito,
mabilis na nagreklamo ang biktima sa kanyang mga magulang at hindi nagtagal ay
nagreport ang mga ito sa Boaracay PNP na agad namang naghuli ang suspek.
May pagkakataon
din na nilalasing muna bago pagnakawan ang turista.
Paglilinaw ni
Bautista, marami na umanong nai-report na ganitong reklamo sa pulis kaya aniya
kailangan na itong aksyunan.
Itong usapin ay
ini-refer sa Committee Hearing para sa masusing pag-uusap at kung paano ito
maaksyunan ng mga otoridad.
No comments:
Post a Comment