YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, August 24, 2017

Community Base Monitoring System, inilatag sa SB-Malay

Posted August 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Isang Memorandom of Agreement ang nais ngayon maaprobahan ng Malay Local Government Operations Officer kay Mayor Ceciron Cawaling upang ma-implementa ang Community Base Monitoring System (CBMS).

Nag-presenta ang kinatawan ng Aklan DILG na si LGOO-5 Debra Lynn Romero sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay kasama si Mayor Cawaling at ibang mga empleyado ng LGU upang ipaliwanag kung ano itong CBMS.

Ayon kay Romero, ang Community Base Monitoring System (CBMS) ay isang data base kung saan makikita o naka-rekord ang regular funds, financial plan at kung saan mapupunta ang budget at paglalagyan ng budget.

Ayon kay Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron, maganda umano itong programa subalit hanggang ngayon ang iba namang mga problema ay hindi parin nasusulosyunan.

Image may contain: one or more people, people sitting, living room, table and indoorSamantala, kung si Mayor Cawaling naman ang tatanungin aniya dahil nandiyan naman ang mga information at ibang departamento, i-consolodate na lamang umano lahat at kung may kulang pa, doon na lang bigyan ng budget.

Dagdag pa ng alkalde, sa paraang ito ay makikita ang lahat ng  at kung may database ay hindi na mahihirapan sa pag-balangkas ng budget.

Sumang-ayon naman ang mga department heads ng LGu na magkaroon ng database para sa budgeting ng mga proyekto ng bayan ng Malay.

Dahil dito, sa susunod na taon pa ito ma-iimplementa dahil sa kulang na ang budget para sa pagpapatupad nito ngayong taon.

Nabatid na tatlong bayan na sa probinsya ang nag-iimplementa ng (CBMS).

No comments:

Post a Comment