Posted August 23, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Sa imbestigasyon
ng Boracay Tourist Assistance Center BTAC, nagbigti ang 19-anyos na binatilyo
na kinilalang si alyas “Norman” gamit ang isang electrical cord.
Nauna rito, sa
salaysay ng Ina ng biktima sa mga pulis makailang beses umano nitong kinatok
ang kwarto ng biktima para yayaing kumain ng hapunan subalit hindi siya nito
pinag-buksan ng pintuan.
Dahil dito, tinungo
ng Ina ang maliit na bintana para makita kung ano ang ginagawa nito subalit
tumambad sa kanya ang nakabitin ng anak.
Dinala pa ang
biktima sa isang malapit na klinika subalit ideneklara itong DOA o Dead on
Arrival ng doctor na sumuri dito.
Bago umano
nangyari ang insidente, galing sa inuman ang biktima kasama ang kanyang mga
kaibigan kung saan ayon sa mga kaibigan nito habang sila ay nag-iinuman
nakapagsabi sa kanila ang biktima na magpapakamatay ito.
No comments:
Post a Comment