YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 22, 2017

Eskedyul ng mga aktibidad para sa Ati-Atihan 2018, inilabas na ng KASAFI

Posted November 22, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE FM Boracay

Isang buwan at kalahati nalang bago ang 2018, inilabas na ang eskedyul ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (KASAFI) para sa nalalapit na Ati-Atihan Festival.

Ayon kay KASAFI Chairman Albert Meñez, nasa final stage na umano ang kanilang preparasyon kung saan sa Enero 6 ay sisimulan na ang 3rd Ati-atihan Futzal Cup (Football) na susundan ng nine-day devotional novena, parish visitation ng Santo Niño at tradisyunal paeapak at Search for Mutya ng Kalibo Ati-atihan 2017 sa Enero-12.

Narito ang iba pang mga sumusunod na skedyul sa naturang event;

Enero 13 - Car Show sa Pastrana Park.

Enero 14 - Sikad Karera para sa mga mahilig sa bike at bikers rally

Enero 15 - Search for Ati-atihan Festival King, Hala Bira Ati-atihan nights,  Kalibo Ati-atihan Street Bazaar, Kaeanan sa Plaza, Aklan Ati-atihan Tourism Travel Café (Aktoa), Aklan Visual Arts Exibit, at Ati-atihan float parade.

Enero 16 - Sang Kalibo Tamboe and Street Party

Enero 17 - Pagdayaw kay Sr. Santo Niño, Dep-ed Aklan Students

Enero 18 - Sinaot sa Calle, Dep-ed Aklan Teachers,  Aklan Higante Contests

Enero 19 - Sadsad Pasaeamat kay Sr. Santo Niño , Kalibo Spectrum Invasion 2018

Enero 20 - Dawn Penitential Procession, Street Dancing Contests: Ati-atihan Tribal Big and Small, Balik-Ati, Modern Groups and Indiviual at Hornada.

Enero 21 - pag-transfer ng Santo Niño Image, Pilgrims Mass, Sadsad at Religious Procession.

Kaugnay nito, hinikayat ni Meñez ang publiko na makilahok sa week long selebration na isinasagawa tuwing ikatlong linggo sa buwan ng Enero sa Kalibo kung saan ito ang tinatawag na “Mother of All Philippine Festival”.

No comments:

Post a Comment