Posted November 22, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST
Boracay
Isang
maka-kalikasang aktibidad ang inilunsad sa Boracay sa pamamagitan ng Eco
Bricking at Eco Brick Training Workshops nitong nakalipas na araw.
Sa
panayam sa Co-Founder ng I Love Boracay Movement na si Mark Cabrera, itinayo
ang naturang kilusan na kasama ang mga mamamayang may malasakit sa isla para
masolusyonan ang hamon sa solid waste management.
Ani
Cabrera, ang hamon ay sa segregasyon at ang pagpo-proseso ng mga used plastic
bottle kung saan target nito na mag-umpisa sa mga miyembro ng pamilya.
Layun
din ng naturang aktibidad na ipalaganap ang alternatibong paraan sa halip na itapon o ikalat sa paligid.
Nabatid
na nagsimula ang eco-brick activity na ito nitong Linggo kung saan dinaluhan ng
mga 25 partisipante mula sa Lokal na Pamahalaan ng Malay, 23 mga estudyante
mula sa iba’t- ibang paaralan.
Kabilang
sa mga sumailalim sa workshop ang mga Community leaders, Philippine Coast
Guard, BFI, Goshen School of Technology and Humanities, Greenyard, Supervisor
ng Balabag MRF, Central MRF at aasahan pa ang pagdating ng Manoc Manoc
Supervisor.
Aasahan
pa umano ang mga susunod na yugto ng community workshop na ito.
Pinapaabot
naman ni Cabrera sa publiko na kung sino man ang gustong makibahagi na nagmamalasakit
sa isla ay ikalulugod nila.
Samatala,
ang mga magagawang Eco-Brick na ito ay
pagsasama-samahin bilang pangpalit sa mga Hollow Blocks o maging furnitures ng
sa ganun ay mapangalaagaan ang Boracay.
No comments:
Post a Comment