Posted November 22, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE FM Boracay
Isang buwan at kalahati nalang bago ang 2018, inilabas na
ang eskedyul ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (KASAFI) para sa
nalalapit na Ati-Atihan Festival.
Ayon kay KASAFI Chairman Albert Meñez, nasa final stage
na umano ang kanilang preparasyon kung saan sa Enero 6 ay sisimulan na ang 3rd
Ati-atihan Futzal Cup (Football) na susundan ng nine-day devotional novena,
parish visitation ng Santo Niño at tradisyunal paeapak at Search for Mutya ng Kalibo
Ati-atihan 2017 sa Enero-12.
Narito ang iba pang mga sumusunod na skedyul sa naturang
event;
Enero 13 - Car Show sa Pastrana Park.
Enero 14 - Sikad Karera para sa mga mahilig sa bike at
bikers rally
Enero 15 - Search for Ati-atihan Festival King, Hala Bira
Ati-atihan nights, Kalibo Ati-atihan
Street Bazaar, Kaeanan sa Plaza, Aklan Ati-atihan Tourism Travel Café (Aktoa),
Aklan Visual Arts Exibit, at Ati-atihan float parade.
Enero 16 - Sang Kalibo Tamboe and Street Party
Enero 17 - Pagdayaw kay Sr. Santo Niño, Dep-ed Aklan
Students
Enero 18 - Sinaot sa Calle, Dep-ed Aklan Teachers, Aklan Higante Contests
Enero 19 - Sadsad Pasaeamat kay Sr. Santo Niño , Kalibo
Spectrum Invasion 2018
Enero 20 - Dawn Penitential Procession, Street Dancing
Contests: Ati-atihan Tribal Big and Small, Balik-Ati, Modern Groups and Indiviual
at Hornada.
Enero 21 - pag-transfer ng Santo Niño Image, Pilgrims Mass,
Sadsad at Religious Procession.
Kaugnay nito, hinikayat ni Meñez ang publiko na makilahok
sa week long selebration na isinasagawa tuwing ikatlong linggo sa buwan ng
Enero sa Kalibo kung saan ito ang tinatawag na “Mother of All Philippine
Festival”.
No comments:
Post a Comment