Posted August 10, 2017
Ni Inna Carol l. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Muling ipinatawag
sa 26th Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Malay ang representante ng
isang resort sa Sitio Diniwid Boracay para muling imbestigahan kung bakit
patuloy ang kanilang operasyon sa kabila ng kawalan ng business permit.
Sa pagtatanong ni
SB Member Floribar Bautista kay Haydee Miguel na treasurer ng resort sa update
ng kanilang permit, mariing nitong sinabi na taunang nag-rerenew ang kanilang
resort na ipinagkakatiwala umano nila sa kanilang secretary na si Christopher
Sacapaño.
Si Sacapaño umano
ang nagpa-process ng kanilang business permits na ayon pa kay Miguel ay
nakapagbigay na sila ng P 300,000 para sa naturang renewal.
Sa paliwanag pa
ni Miguel, ipinangalan umano sa kolektor ng licensing department ng LGU ang
cheke na ibinayad nila.
Maliban dito,
nabatid rin na humingi pa umano si Sacapaño ng halagang P150, 000 para sa pagsasayos
naman ng permit sa DENR.
Sa rebelasyong
ito, laking gulat ng mga SB kung bakit hinayaan ng resort na ito na gawin sa
kanila ito ni Sacapaño kung saan sumagot si Miguel na siya kase ang
pinagkakatiwalaan sa pag-proseso ng negosyo.
Sa kabila ng mga
paliwanag, nang hinanapan ni SB Bautista kung nakapaskil na ba ang mga permit
na sinasabi nito, subalit sinagot nito na wala sa kanila.
Samantala,
humihingi naman ng kopya si Bautista sa kanila ng mga papeles para ma-imbestigahan
ang umano’y maanomalyang isyu.
Kaugnay nito, muling
tatalakayin sa sesyon itong usapin upang maliwanagan ang lahat hinggil sa naturang
isyu.
No comments:
Post a Comment