Posted August 7, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Tiklo ang isang kitchen helper sa isa namang buy-bust
operation na isinagawa ng mga otoridad sa Barangay Balabag kahapon.
Ang suspek ay si Abdul Azis Sarip y Venus aka “Asis”,
residente ng San Jose Romblon at temporaryong nakatira sa nabanggit na lugar.
Naaresto si Sarip sa pangunguna ng Malay PNP, Boracay
PNP, 605 th Maritime Police, 12 th IB TIU at MIG6 sa pakikipagtulungan parin ng
PDEA Aklan.
Nabilhan ang
suspek ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu ng nagpakilalang poseur buyer
kapalit ng P 1, 200 na buy-bust marked money habang sa isinagawa pang body search
nasamsam pa dito ang tatlo pang suspected shabu.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag ng Republic Act
No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
No comments:
Post a Comment