Posted August 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Ito ang sinabi ng
representante ng Mabuhay Maritime Express, Inc. na si Engr. Leo Perania matapos
itong ipatawag ng Sangguniang Bayan ng Malay para ipaliwanag ang kanilang panig
hinggil sa nabanggit na isyu.
Depensa ni
Perania, ang clearing operation umano ay bilang paghahanda sa gagawing
development doon.
Bagamat may
endorsement na ito mula sa Barangay, paglilinaw ni Yapak Punong Barangay Hector
Casidsid nagalaw na umano ang bundok bago pa humingi sa kanila ng nasabing
dokumento.
Ayon kay Perania,
wala pa umanong designated na plano sa area kaya umano nag-apply muna sila ng
locational clearance ang gagawing konstruksyon o development.
Samantala, dahil
sa humaharang ang environmental group na FFF o Friend of Flying Foxes sa
gagawing development doon, suhestyon ni Vice Mayor Abram Sualog na kailangan
umanong gumawa ng petition for development ang grupo at maki-pagcoordinate sa
DENR para pag-aralan ang pagbigay ng ECC.
Sa ngayon,
pag-aaaralan muna ito ngayon ng Sangguniang Bayan bago ang pag-endorso nitong
proyekto kung saan sinabihan ni Vice Mayor Sualog si Perania na kung may mga
plano ay sundin ang lahat ng requirements ng sa gayon ay hindi sila
magka-problema at para hindi madadamay ang Lokal na Pamahalaan ng Malay.
No comments:
Post a Comment