Posted July 12, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Nagbigay ng babala ang National Telecommunications
Commission (NTC) ukol sa mga kumakalat na text scam.
Sa panayam ng himpilang kay Engr. Dyjee Gallegan ng
National Telecommunication Commission o NTC, nabatid na ang mga gumagawa ng
scam na ito ay nanggaling sa Regular Cellphone Number na mayroong 11- digit
number.
Ipinaaabot nito na ang mga natatanggap na mga text
message na katulad na lamang ng pagkapanalo sa isang raffle o gadget ay
kinukonsidera bilang scam.
Dagdag pa nito, iwasang i-entertain ang mga ganitong
mensahe at mas mabuting i-report agad sa NTC Regional Office para maiwasan ang
mabiktima nito.
Samantala, ang babala namang ito ay para sa kamalayan ng
publiko.
No comments:
Post a Comment