Posted July 12, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE
BEST Boracay
Sinimulan ng buksan ang drainage network kung saan nakitaan ng pagbara at
pagbaha sa area ng Balabag.
Isa-isang nilagare at marahan na tinanggal ang mga burak
at buhangin na nagbabara lalo na sa mga binabahang bahagi ng main road na
matagal ng ini-rereklamo ng mga commuters dahil sa maruming tubig doon.
Sa panayam ng himpilang ito sa mga miyembro task force ng
Sanitary Department ng Municipal Health Office, isinagawa nila ito upang
linisin ang mga estero na ito kung saan natuklasan nila na merong mga illegal
tappers na kumokonekta sa drainage system.
Ayon pa sa kanila, nasa pitong establisyemento na ang
nabigyan nila ng ticket at sanitary order dahil sa paglabag nito sa regulasyon
kung saan kaakibat din dito ang pagbigay ng deadline para maisaayos nila o pagkansela
ng kanilang business permit.
Pahayag nila, ang nagiging sanhi rin umano ng pagbaha sa
mga kalsada ay ang mga putik na dumadaloy sa mga pipes kung kaya’t bumabara ito
maliban pa sa bumubulwak umano na sewer.
Dito rin nalaman na hindi lamang rainwater ang dumadaloy
sa drainage kundi may halong sebo at kitchen waste mula sa mga restaurant sa
tabing kalsada.
Samantala, katuwang sa pagbubungkal na ito ang contractor
kasama ang Zoning at Engineering Office ng Malay at Municipal Health Office.
Kung maalala, umani ng negatibong reaksyon mula sa mga
commuters at mga bisita ang pagbabaha sa mga kakalsadahin sa Boracay dahil sa
illegal tapping at hindi maayos na drainage system sa isla.
No comments:
Post a Comment