Posted July 12, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Nagbigay na ng
palugit at notice to vacate ang Lokal na Pamahalaan ng Malay na tanggalin ang
istraktura sa Puka Beach at Ilig-iligan Beach sa Barangay Yapak.
Sa panayam ng
himpilang ito kay Executive Assistant II Jimmy Maming, “No Build zone” umano
ang mga nabanggit na lugar lalo na ang kanilang beach area.
Aniya, ipina-alam
na umano ito sa Barangay Yapak at binigyan ng isang buwang palugit ni Mayor
Ceciron Cawaling ang mga may negosyante doon para tanggalin ang kani-kanilang
istraktura.
Dagdag pa ni
Maming, marami naman umanong paraan para may mapagkakakitaan, ang nais lang
umano ng LGU-Malay ay panatilihin ang kagandahan ng dalampasigan ng dalawang
beach site.
Kaugnay nito,
umaasa si Maming na maiintindihan ito ng mga tao doon dahil para naman ito sa
ikakabuti at ikakaganda ng tinaguriang number one tourist destination ng
Pilipinas.
Paggigiit nito,
sama-sama umanong haharapin ang problema at babangon lalo na sa usaping kalikasan.
No comments:
Post a Comment