Posted June 5, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Dinaluhan ng mga stakeholders sa isla maging ang mga
opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Malay sa pangunguna ni Mayor Ceciron Cawaling
ang isinagawang public presentation ng TIEZA sa Boracay.
Sa nagyaring pagtitipon, inilatag ni Atty. Ma. Teresa
Alvarez ang paghahanda ng Boracay Island Water Company Inc. o BIWC sa mataas na
demand ng water at waste water ng isla lalo at tumataas ang bilang ng tourist
arrival.
Maliban dito, ibinahagi rin ang ilang infrastructure
projects na nakalaan sa Baranggay Yapak bilang paghahanda na rin sa posibleng
pagbukas ng mga malalaking resorts doon.
Napag-usapan din ang ilang problema sa drainage at sewer line
na hiniling ni Mayor Cawaling sa TIEZA na unahin itong solusyonan sa
pamamagitan ng paglatag ng mga imprastraktura.
Nabatid rin na pinaghahandaan na ng TIEZA ang
pinagkukunan ng tubig na nanggagaling pa sa Nabaoy River kung saan maaari itong
maubusan ng suplay ng tubig kung hindi pag-planuhan dahil na rin sa bilang ng
mga consumer na gumagamit kung kaya’t ibinahagi ng mga ito ang mga proposed
projects.
Bagamat sumentro ang presentasyon sa mga katanungan at
mga nakitang suliranin, sa huli ay tiniyak naman ng TIEZA na lahat ng mga daing
na kanilang narinig ay agad na ire-report sa kanilang opisina nang sa ganun ay
matugunan ito sa lalong madaling panahon.
No comments:
Post a Comment