Posted June 5, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona,
YES THE BEST Boracay
Mas maganda umanong maglagay ng sariling outpost at
trained Lifeguard ang mga resort owner sa isla ng Boracay.
Ito ang sinabi ni PO1st Condrito Alvares ng Philippine
Coast Guard Boracay, bilang paghahanda narin sa anumang insidenteng pwedeng mangyari
sa kanilang mga bisita lalo’t papasok na ang habagat season.
Sinabi pa ni Alvares, malaking tulong umano kung
maglalagay ang mga ito ng sarili nilang lifeguard dahil hindi na mahihirapan
ang kanilang mga bisita na humingi ng tulong dahil merong nakabantay sa mga ito
maliban sa Lifeguard ng isla at PCG.
Suhestiyon niya ito bilang paghahanda narin ngayong
Habagat Season at preparasyon narin sa paghahanda sa anumang kalamidad na
pwedeng mangyari sa bansa.
No comments:
Post a Comment