Pages

Monday, June 05, 2017

TIEZA at BIWC, nagsagawa ng Public Presentation

Posted June 5, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 1 person, indoor
Dinaluhan ng mga stakeholders sa isla maging ang mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Malay sa pangunguna ni Mayor Ceciron Cawaling ang isinagawang public presentation ng TIEZA sa Boracay.

Sa nagyaring pagtitipon, inilatag ni Atty. Ma. Teresa Alvarez ang paghahanda ng Boracay Island Water Company Inc. o BIWC sa mataas na demand ng water at waste water ng isla lalo at tumataas ang bilang ng tourist arrival.

Maliban dito, ibinahagi rin ang ilang infrastructure projects na nakalaan sa Baranggay Yapak bilang paghahanda na rin sa posibleng pagbukas ng mga malalaking resorts doon.

Image may contain: 2 people, people sitting and indoor
Napag-usapan din ang ilang problema sa drainage at sewer line na hiniling ni Mayor Cawaling sa TIEZA na unahin itong solusyonan sa pamamagitan ng paglatag ng mga imprastraktura.

Nabatid rin na pinaghahandaan na ng TIEZA ang pinagkukunan ng tubig na nanggagaling pa sa Nabaoy River kung saan maaari itong maubusan ng suplay ng tubig kung hindi pag-planuhan dahil na rin sa bilang ng mga consumer na gumagamit kung kaya’t ibinahagi ng mga ito ang mga proposed projects.

Bagamat sumentro ang presentasyon sa mga katanungan at mga nakitang suliranin, sa huli ay tiniyak naman ng TIEZA na lahat ng mga daing na kanilang narinig ay agad na ire-report sa kanilang opisina nang sa ganun ay matugunan ito sa lalong madaling panahon.

No comments:

Post a Comment